ella's hideaway

Balik na naman tayo sa affairs of the heart. Lapit na kasi ang araw ng mga puso eh. Naisip ko kasi kung gaano karaming pera at gaano kahabang oras ang itinatapon ng mga babae sa pagpapaganda. Proof: BILLION dollar industries ang cosmetics, apparel, at cosmetic plastic surgery.

Why, oh why? Para kanino nagpapaganda ang mga babae? Para ba sa mga lalaki, para sa kapwa nila babae o para sa sarili nila? It is safe to assume na hindi naman lahat ay para sa lalaki. Kapag medyo bata pa, nag-aabala ‘yan para sa kapwa babae nila. Lalo na ‘yung mga teen-agers, dapat laging sunod sa what’s in. Baduy ka sa tingin ng peer group mo kapag hindi ka nakiuso. “Yuuuck! What she’s wearing is soooo last year!”

Kapag young adults na at on the look out na for prospective boyfriends, nagpapaganda na sila for the boys. Hindi na masyadong susunod sa uso. Ang mahalaga ay kung ano ang bagay sa kanila. What can bring their best assets out.

Kapag medyo nagka-edad na o may asawa na, you will spend for upkeep and maintenance . ‘Yan ang para sa sarili na lang. For self confidence, self esteem and making sure you are still attractive kay mahal.

Kung mag-aabala at magkakagastos kami para sa inyong mga lalaki, palagay ko it is important to know what kind of men you are. Like, are you a “boob man”, a leg man”, or a “butt man” (not typo, hindi Batman). ‘Yung mga parte ng mukha na nakaka-attract sa inyo is an entirely separate topic.

Nagagawan ng paraan ang mukha. Nandiyan si Dra. Vicky Belo and company. Pera lang ang katapat niyan. Mahilig ba kayo sa malamlam na mga mata? Ipa-deep set ‘yan! Konting gupit sa talukap and we’re done. Puwede ka nang mag-party sa gabi. Kahi’t nga ‘yung maitim, napapaputi eh. Look at Michael Jackson (Okey sorry, don’t look at MJ, an abomination, I know).

‘Yung mga ilong na puwede nang pag-landingan ng langaw? Taniman ng fake na buto ‘yan! Biglang tisay ang dating mo, ‘wag lang masyadong matangos at baka maduling ka naman. Mga kulubot? Iniksyunan ng lason ‘yan! Buhay ka pa, parang inimbalsamo na ‘yung mukha mo sa Botox hahaha! Look at Cher (okey, no looking at Cher either).

Meron ding mga orthodontists. Sungki-sungking ipin? Talian ng alambre ‘yan! But I really wonder how guys can kiss girls with retainers. Lasang bakal while french kissing! Eeeew!

Anyway, back to the impossible standards set by men. ‘Yan ang tunay na dahilan kung bakit saksakan ng yaman ang heir ng Max Factor (si Mr. Factor ba ‘yon?) Sa totoo lang, YOU guys make us feel inadequate! Bakit ang swimsuit edition ng Sports Illustrated ay isa sa pinakamabiling magazine sa buong mundo?

Don’t tell me gusto lang magbasa ng mga ads ng Nike ang mga lalaking bumibili nito. Jeez! Look at those maddening curves! Those glistening cleavages! Those long tanned, toned legs! Siyet, wala kami niyan, noh!

Sabi ng girlfriend ni TG, nakakabwisit daw sa lahat ‘yung kasama ka na, titingin pa sa ibang babaeng naka-mini o nakalabas na halos ang dede. Insultong malaki! Puwede na ‘yang grounds for annulment! Sasabihin naman ng mga boypren at asawa, “Masama bang tumingin?” Hello? You guys don’t have a clue! Mabuti pang sampalin ‘nyo na lang kami!

Now, let’s say you are a”boob” man. Puwede pa rin naming gawan ng paraan ‘yan kung kahit nag-plunge na hanggang pusod yung neckline namin eh wala pa ring cleavage. There are a lot of women who are willing to go under the knife for breast augmentation.

If you are a “butt” man, meron ding panagot diyan. Meron na ring butt implants, which I find extremely weird. If you are a”leg” man, patay na bata na kami kung nagkataong bukol-bukol na ‘yung binti namin, tadtad pa ng barya. Wala pa akong alam na babaeng nagpa-leg transplant dahil mukhang pamalo ng dalag ‘yung mga binti niya.

Don’t you see, guys, we’re willing to do anything for you, to spend a lot for you, to go under the knife for you (naks, ang lakas magpasakay ni Ella). Kahi’t pa sabihin ng ibang babae that they subscribe to the Calvinist ethic that “be satisfied, don’t go changing what God gave you”, gusto pa rin namin (kahit ayaw naming aminin) na kami ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa para sa inyo.

Kaya mga kaibigan kong lalaki, takbo na at palihim na itapon sa basura ‘yung itinatabi-tabi ninyong poster ni Darna!


shizofree wrote on Feb 13
I don't go for people with plastics within their bodies. Weird isipin kung ililibing na sya, nakangiti (dahil sa lip augmentation, naginflate ang toxins sa katawan), nakadilat ang mata (nagdeepset, sayang ang binayad). Boobs, still firm, even if nakalibing na as an old lady. Such a worst-case-senario, really, pero still plausible.

I'd rather find someone who ages gracefully than find someone who, in time, makes me look like a pedophile.
roseella wrote on Feb 14
Hahaha! Good one Mark. Napa-lol ako sa last sentence hehe.
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help